12 October 2005

News Flash: HBG strikes again!!

Disclaimer: Ang mga pangyayari na inyong mababasa ay walang katotohanan at pawang kathang isip lamang. Anumang pagkakahawig sa totoong buhay ay hindi sinasadya. Hmm....sige, na nga, siguro may pagkakahawig ng konti.

Isa na namang kainan ang binulabog ng Happy Birthday Gang (HBG) noong Huwebes, Sept. 22. Nilusob ng HBG ang McDonalds sa Jupiter St. corner Makati Ave. armado ng mga lobo, laruan at kagamitang pang-prinsipe at prinsesa. Halos 30 katao ang napag-alamang hinostage nila nung gabing yon.


Sari-saring pagpapahirap ang ipinagawa sa mga kaawa-awang hostages: pinatakbo, pinakembot, at pinasigaw ng paulit-ulit. May narinig din daw na mga putok sa loob ng kainan. Halos mawala sa sarili ang mga hostages nang sila ay kausapin dahil kung ano-anong mga salita at pangungusap na walang ibig sabihin ang kanilang mga sinabi.


Napag-alaman din na 5 biktima (itago na lang natin sa pangalang Gie, Francis and Jojo, Aris at Malou -- hindi naka-ayon sa larawan) ang walang awang pinag-ihip ng mga kandila sa cake habang paulit-ulit na sinasabi sa kanila ang kanilang pagtanda (psychological torture).


Hindi pa naawa ang HBG dahil dinakip ang isa sa limang biktima (na tinago natin sa pangalang Gie) at isasama daw ng HBG sa London upang doon magkalat ng lagim. Nasa larawan ang biktima habang namamaalam sa kanyang mga kasama.


Hindi pa alam kung kailan ulit lulusob ang HBG kaya binabalaan ang madla. Ipag-alam sa pulisya kung makikita nyo ang pinuno ng HBG. Narito ang kanyang larawan:


Pinag-iingat ang taong bayan dahil napakagaling daw sa pagpapalit ng anyo ang pinuno ng HBG. Nakita nang nag-anyong manok ang pinuno noong Hunyo. At hinihinalang may anyong bubuyog din ito. Pinag-iingat ang lahat.

4 Comments:

At 13/10/05 10:31 PM, Blogger Beng said...

Ang cute naman ng write up na ito! :-) A part of me wants to do it again!

 
At 14/10/05 6:03 PM, Anonymous Anonymous said...

hehehe... nanaginip ako, kala ko ako sumulat nito. :-) HBG, welcome kayo sa birthday ko.. sa april. para kasali naman ako. Ganda! :-)

 
At 16/10/05 12:57 PM, Anonymous Anonymous said...

Very nice! Happy Birthday Gang. That is one gang I'd be proud to be a part of! Hanggang sa susunod na mga "biktima".

 
At 18/10/05 2:58 PM, Anonymous Anonymous said...

Hehehe...glad you liked it! Thanks!

 

Post a Comment

<< Home